SYNOPSIS
Leny, an unmarried woman in her mid-30’s, lives alone in a small cement-made house in a subdivision atop a mountain, located 30 kilometres south of Metro Manila. She works in an engineering school in Manila, as Secretary from Monday to Friday and as CWTS Facilitator every Sunday. S
On an Easter Sunday, Leny leaves the house before daybreak to participate in a church event called Salubong, a depiction of Mother Mary’s meeting with her arisen child, Jesus, before proceeding to school. After work, she hurries to reach home, knowing that she will be happily greeted by Bamboo, Bianca and Brutus, who are patiently waiting for her, expecting for a tummy-filling pasalubong. The heart-warming salubongs in the church (implied), in Leny’s house, and in her neighbours’ houses stir scenes that are unfortunately not seen and experienced in the male teenager’s house.
FADE IN
EXT. SA BAKURAN NG BAHAY NI LENY – MADALING ARAW NG EASTER SUNDAY
(POV BAMBOO AT BRUTUS) Inaayos ni LENY ang kanyang puting headband, pati na ang kanyang puting damit. Bubuksan nya ang gate, pero bago lalabas ay lilingon sya sa likuran nya at nakangiting kakaway ng pagpa-paalam. Pagkalabas, isasara nya agad ang gate.
CUT TO
(POV BIANCA) Nakangiting sisilip si Leny sa bakod ng bahay nya, kakaway ng pagpa-paalam, at pagkatapos, siya’y hahakbang papalayo.
EXT. SA GATE NG SUBDIVISION – CONTINUOUS
Lalabas ng gate si Leny. Babatiin siya ng SECURITY GUARDS.
SECURITY GUARDS
Good morning po, Ma’am.
LENY
Good morning din po.
Sasakay si Leny sa tricycle. Bago tuluyang makalayo ang tricycle na sinakyan ni Leny, magbubulungan ang dalawang Security Guards.
SECURITY GUARD 1
Pare, napaka-aga naman nya pumasok ngayon?
SECURITY GUARD 2
Baka dadaan ng simbahan, pare.
Di ba may Salubong ngayon?
SECURITY GUARD 1
Ah, siguro nga.
FADE OUT.
EXT. SA LABAS NG BAHAY NI LENY – BUKANG-LIWAYWAY
(POV BIANCA) Sa tapat ng berdeng bahay na kahilera ng malaking bahay, maglalakad palayo ang isang lalaki na nakapulang jacket at naka-backpack.
CUT TO
(POV BRUTUS) Magkahawak-kamay ang mag-ina na lalabas sa gate ng malaking bahay, at sasakay sa pulang kotse… aalis sila.
CUT TO
(POV BAMBOO) Bubukas ang pintuan ng berdeng bahay at magkasunod na lalabas ang nanay at isa sa mga anak nyang lalaki. Bubuksan ng anak ang gate nila, habang ang nanay naman ay sasakay sa itim na kotse at paa-andarin ang makina. Lalabas ng bahay ang iba pa nyang anak at sasakay silang lahat sa kotse… aalis sila. Susundan sila ng tingin ng aso nilang kulay-German Shepherd.
FADE OUT.
INT. SA LOOB NG BUS – ALAS-6 NG UMAGA
Habang kumakain ng baon na sandwich, ilalabas ni Leny ang kanyang cellphone at magte-text.
CLOSE ON
(TEXT MESSAGE) Happy Easter po! Pls in4m my CWTS students dat I’ll be l8. Tnx.
FADE OUT.
EXT. SA LABAS NG BAHAY NI LENY - TANGHALI
(POV BIANCA) Dadaan ang isang tricycle at didiretso sa pababang kalsada.
CUT TO
(POV BAMBOO) Sa loob ng gate ng berdeng bahay, tulog na tulog ang kulay-German Shepherd na aso.
CUT TO
(POV BRUTUS) Magpa-park ang kadarating na pulang kotse. Lalabas ng kotse ang mag-ina, at papasok sa malaking bahay nila, bitbit ang pinamili nilang groceries.
FADE OUT.
(Bundy clock rings, 430 PM)
MONTAGE:
EXT. SA EXIT GATE NG SCHOOL – HAPON
Magmamadaling lalabas ng exit gate si Leny, at lalagpasan nya ang mga estudyanteng nagku-kwentuhan sa daan.
EXT. SA LABAS NG BAHAY NI LENY – HAPON
(POV BIANCA AT BRUTUS) Dadaan ang tricycle at magpa-park sa tapat ng malaking bahay; maririnig ang malakas na tugtog mula sa radyo ng tricycle. Bababa ang driver at makikipag-kwentuhan sa matandang lalaki na nakatayo sa gate ng kapit-bahay.
INT. SA LOOB NG 711 - HAPON
Magbabayad si Leny sa cashier at pagkatapos ay magmamadaling lalabas ng 711, hawak-hawak ang isang plastic bag.
EXT. SA LABAS NG BAHAY NI LENY – HAPON
(POV BAMBOO) Kapa-park ng itim na kotse sa garahe ng berdeng bahay at lalabas ang mag-iinang may dala-dalang mga pinamili. Papasok ang nanay sa loob ng bahay; maiiwan sa labas ang mga anak at maglalaro ng tennis.
FADE OUT.
INT. SA LOOB NG BUS - HAPON
Aayusin ni Leny ang kanyang bag. Uupo sa tabi niya ang lalaking nakaputing-shirt. Ilalabas ng lalaki ang kanyang netbook at magta-type. Manonood ng TV si Leny. Ilalabas ng lalaki ang cellphone nya at tatawag sa kaibigan.
LALAKI
Uy bro, san ka? Haus ka na?
Bilis naman! Iba talaga pag may sundo e, bilis makauwi.
Bus pa lang ako.
LENY
(Patingin-tingin sa watch nya.)
LALAKI
Syanga pala, ka-facebuk ko si Sid ngayon.
Game daw tayo mamaya.
LENY
(Titingin sa watch nya at lilingon sa labas ng bus.
Bubuntong-hininga at manonood ng TV.)
LALAKI
(May tumatawag sa isang cellphone nya.)
Teka lang bro ha…
Hello kuya. Pauwi na ako, kaso nagpu-puno pa itong bus.
Gagabihin ka?
Gagabihin din si mommy, may pupuntahan sila ng amiga nya.
Ok po kuya.
LENY
(Mukhang di mapakali)
Haiz!!!
(Titingin sa watch nya, at itutuloy ang panonood ng TV.)
LALAKI
Bro, sama ka na sa amin ni Sid…game tayo.
Pwede ako. Wala naman si daddy e;
matagal pa siya uuwi para magbakasyon.
Si mommy at kuya, gagabihin na naman.
Sige na, game tayo mamaya. Susunduin ka namin.
Hahah! Tumakas ka na lang.
Ok, pumunta ka na lang dun kung papayagan ka ng mommy mo.
O sige bro. Bye!
CLOSE ON
(FB MESSAGE NG LALAKI KAY SID) W8 ka jan, sunod ako.
Ibu-bulsa ng lalaki ang dalawang cellphone, at ililigpit ang netbook sa backpack nya. Ilalabas nya ang headset at PSP, at maglalaro habang nakikinig ng music.
BUS CONDUCTOR INTO FRAME
LENY
Kuya, di pa ba tayo aalis?
BUS CONDUCTOR
Sandali na lang po…
LENY
Naka-30 minutes na po kasi tayo e.
(Iritang titingin sa watch nya, saka bubuntong-hininga.)
Gagabihin na ako e!
FADE OUT.
EXT. SA LABAS NG BAHAY NI LENY – GABI
(POV BIANCA) Masayang magku-kwentuhan ang mag-ina sa balkon ng malaking bahay. Dadaan ang tricycle pero di-diretso ng takbo sa pababang-kalsada.
CUT TO
(POV BRUTUS) Sa terrace ng berdeng bahay, mag-uusap ang mag-iina habang isinasara ng nanay ang mga bintana.
CUT TO
(POV BAMBOO) Lalabas ng kusina ang batang lalaki at pakakainin ang aso nilang kulay-German Shepherd. Uupo siya at panunuorin ang asong kumakain. Pagkatapos kumain, lalapit ang aso sa batang lalaki; hahaplos-haplusin ng batang lalaki ang ulo ng aso nya.
DISSOLVE TO
EXT. SA TAPAT NG BERDENG BAHAY NA KAHILERA NG MALAKING BAHAY - GABI
(POV BIANCA AT BRUTUS) Titigil ang tricycle, bababa ang sakay nitong lalaki na naka-pulang jacket, at saka ito aandar paalis. Maiiwang nakatayo and lalaki sa harap ng berdeng bahay. Mananatili siyang nakatayo at pagmamasdan ang madilim na loob at labas ng bahay. Ang lamp-post sa kalsada ang tanging nagbibigay-liwanag sa paligid ng bahay. Pagkaraan ng ilang saglit, tatalikuran ng lalaki ang gate, lilingon-lingon sa mga kapit-bahay, at saka lalakad palayo, bitbit pa rin ang dalang backpack.
CUT TO
EXT. SA TAPAT NG BAHAY NI LENY - GABI
(POV BIANCA, BAMBOO AT BRUTUS) Titigil ang tricycle at magmamadaling bababa si Leny. Aandar paalis ang tricycle.
CUT TO
EXT. SA BAKURAN NG BAHAY NI LENY – CONTINUOUS
Pagkasara ni Leny ng gate, sasalubungin siya ng tumatakbo at tumatalon na sina Bamboo, Brutus at Bianca.
LENY
Hello kidzzzzzz!
(Ipapakita ang plastic bag.) …ubong!!!!!
Hug muna...
(hugs and kisses Bamboo, Brutus at Bianca
na buong araw nag-abang sa kanyang pagdating)
ZOOM OUT
Ilalabas ni Leny ang tinapay na laman ng plastic bag at pakakainin nya sila Bamboo, Brutus at Bianca. Isa-isang susubuan ni Leny ang tatlong Labradors bago siya susubo ng tinapay. Masaya silang kumakain ng tinapay, hanggang maubos ang laman ng plastic.
CUT TO
INT. SA LOOB NG COMPUTER SHOP – GABI
Katabi ng lalaking naka-pulang jacket ang kaibigan nyang si Sid. Tutok na tutok sila sa computer.
FADE OUT.
SPLIT SCREEN SHOT
(Upper Right Screen) Maglalaro ng bola sila Leny, Bamboo, Brutus at Bianca sa damuhan.
(Lower Right Screen) Tahimik na maglalaro ang lalaking naka-pulang jacket at ang kaibigan nyang si Sid.
(Left Screen) Running credits.
FADE OUT.
FADE IN
(Title) “SALUBONG”
FREEZE FRAME.
EXPOSITIONS
- Leny’s unquestionably affectionate relationship with her three Labrador Retrievers is juxtaposed with the un-idyllic family set-up of the male teenager who goes home from school to an empty, unwelcoming house.
- The apparent absence of family companionship in the male teenager’s house is brought to attention through the eyes of Bamboo, Bianca and Brutus who, throughout the day, witnessed the mother-children companionship present in the mansion- and medium-sized houses across Leny’s house.
- Leny weathers being alone in her house because of the devotion and companionship that Bamboo, Brutus and Bianca relentlessly give, which she reciprocates with unerring care and commitment. In contrast, the male teenager is pushed to seek companionship and the bliss it brings outside his house.


No comments:
Post a Comment